Sa bakuran lang ng magpipinsan, marami ang nangyayari. Minsan nagugulat na lang ako sa lahat ng aming pinagbago. Heto na siguro yung transisyon mula inosenteng bata tungo sa nagmamaalam-alam na binata at dalaga.
May kanya-kanya ng sikreto na kapwa nabibisto ng magpinsan pero ayos lang yan... ganyan lang talaga ang samahan ng magpipinsan.
Tamang salo lang.
Tamang good time.
Di parin ako sanay na nagmamatandaan kami. Feeling ko pag nagkikita kaming magpipinsan.... bata parin kami na nag te-train sa hagdanan, nag bebed-sleigh ride mula sa top step ng hagdanan, umaakyat ng poste ng swing para magchill, nagka-kamias/toyo/asukal/asin trip, maglakad mula bahay hangang Glori (na ngayon ay Champion na) para hanapin ang pangalan sa robee stickers na palagi namang wala ang pangalan ko Jasmin or Jam.
Iba na ngayon.
Iba na ang trip ngayon.
Layu-layo narin ang mga bahay namin. Nasa San Diego, NY, Auckland, Toronto, Pennsylvania, San Beda Village at ang home base Teachers Village. Layu-layo na talaga kaya kada kita namin ang daming nagbabago parang hindi ko na sila kilala. Ganun din ata ang tingin nila...pero ayos lang. Embrace change as it happens...ika nga.
Basta nagkikita.
Kahit ang mga nasa homebase at San Beda Village nalang ang nagkikita isang beses sa isang buwan.
Aalis pa kaya ako ng bansa?
The Pantheon and Poets as Synchronised Swimmers
12 years ago
4 comments:
wow Filipino family bond nga ika nila...
It was P. Coelho who said that, I mean the character the lady of desert said that..
I'll be soon buying his other works as soon as i get my copy of the alchemist, my friends borrowed it from me...*sob* thank you for the comments...
i've link you from my blog...as a sign of friendshipnesss...haha...hope to hear more from you
Di parin ako sanay na nagmamatandaan kami. Feeling ko pag nagkikita kaming magpipinsan.... bata parin kami
-Parang kelang lang minimeryenda natin yung kamias at naglalaro sa may pond at sa likod ng taguan. :) Iba na nga. Iba na din yung trip natin. Pero tayo-tayo pa din naman diba?
:D
huwaw.. yeah..
kahit mga kaibigan ko.. naglalaro pa rin kami sa likod ng bahay namin.. hihi..
salamat nga pla sa pagdaan.. ^_^
grabe ang lalayo na ninyong magpipinsan, sabagay kami nga magkakapatid 3 lang magkakalayo din kami, pareho tayo ng iniisip kung lalabas ba ako ng bansa, hmmm. pinag-iisipan ko..
Post a Comment