Friday, August 10, 2007

Gamugamu

Ang gamu-gamu naakit sa ilaw. Walang kadala-dala ang mga langgam na may pakpak kahit na kitang-kita naman ang sinapi ng mga naunang nabitag sa balde ng tubig na may repleksyon ng mismong bumbilya sa kisame. Naawa ako sa unang gamu-gamung dumapo sa huwad na liwanag sa papag. Walang kaalam-alam na ang sumasayaw na kinang ay dagat pla ng huwad na pangarap. Naloko. Nampaloko.

Madami na sila. Nagmistulang resort ng gamu-gamu ang baldeng panlaba ni Nanay. Walang kadala-dala.

Gamu-gamu din ako. Naakit sa ilaw. May mga pagkakataong nalilito kung saan ba mas gusto ko, sa bumbilya o sa dagat ng balde. Kung tutuusin, hindi rin tamang sayawan ang bumbilya pero mas kaaya-aya ito keza sa malunod sa huwad na liwanag.

Ayokong maakit sa dagat ng huwad na pag-ibig.

1 comment:

Iskoo said...

ako din naging gamu-gamu sa buhay ko, may nagawa akong pinagsisihan ko. some people gonna let it the hard way, sa susunod ayaw ko na maging gamu-gamu